Betadine hindi makatutulong sa sakit na dulot ng nuclear radiation

HINDi makatutulong ang Betadine upang makaiwas ang sinuman sa sakit na maaaring idulot ng nuclear radiation.

Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) kanina, Marso 15, kasunod nang nagkalat ng text messages na nagbababala hinggil sa pagtama ng nuclear radiation sa bansa nitong Lunes ng hapon, at nagpapayo na magpahid ng Betadine sa thyroid area na siya umanong unang inaatake ng radiation.

Gayunman, sinabi ni Dr. Agnette Peralta, head ng Bureau of Health Devices and Technology ng DOH na ‘useless’ at hindi makatutulong ang Betadine dahil ito’y panggamot ng sugat at walang kinalaman sa radioactivity.

“Putting Betadine on the throat is useless. Betadine is used for treating wounds. It has nothing to do with radioactivity,” paglilinaw pa ni Peralta.

Nabatid na dahil sa pagkalat ng text message, dumagsa ang mga taong bumibili ng Betadine, na isang antiseptic na gawa sa 10% povidone-iodine sa tubig, at ginagamit na panggamot sa sugat.

Kasabay nito, tiniyak muli ng DOH at ng Department of Science and Technology (DOST) na ligtas ang Pilipinas mula sa radiation exposure.

Imposible rin umanong tumama ang radiation na mula sa Japan sa Pilipinas dahil napakalayo ng naturang bansa.

Gayunman, sakali umanong makaabot nga sa bansa ang radiation, kaagad na magbibigay ng abiso ang DOH at DOST sa publiko na manatili sa kanilang mga tahanan bago pa tumama sa bansa.

Plano na rin umano ng DOH na bumili ng prophylactic potassium iodide, na ginagamit upang maiwasang maapektuhan ng radiation ang thyroid glands, at kaagad na ipapamahagi sa mga mamamayan kung kinakailangan.  Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply