‘Betrayal of public trust’ isusulong vs Ombudsman

IDINEKLARA ng House Committee on Justice na may “probable cause” ang isa sa dalawang impeachment complaints na inihain laban kay Ombudsman Merceditas Gutierez.

Ito ay ang unang impeachment na inihain ni dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel ukol sa betrayal of public trust.

Sa botong 39 ay pumabor ang mga kongresista sa mosyon ni House Deputy Speaker Erin Tanada na idineklarang may “probable cause”  samantalang 9 ang tumutol at nag-abstain naman ni House Minority Leader Edcel Lagman.

Matapos ang botohan ay binasa ni Asst. Majority Leader Rodolfo Farinas ang text message ni Speaker Feliciano Belmonte na nagsasabing ibinasura na ng Supreme Court with finality sa botong 7-5-2 ang mosyon ni Gutierez.

Naka-pending pa rin sa komite ang botohan para sa probable cause ng ikalawang impeachment complaint na inihain naman ng Bayan sa pangunguna ni Renato Reyes.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply