BFAR patuloy ang sampling sa mga isda

PATULOY pa rin ang isinasagawan random sampling sa mga inaangkat na isda mula sa bansang Japan.

Ang randon sampling ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay upang makatiyak ang mamayan sa kontaminasyon ng radiation level sa nawasak na nuclear power plant sa naturang lugar.

Ayon kay Fisheries and Aquatic Resources director Malcolm Sarmiento, layunin umano nila na malaman kung mayroon man ang radiation level ng mga isda sa pangamba na kontaminado ang mga ito ng radiation kasunod ng aberya sa Fukushima Dai-ichi Nuclear Power Plant.

Samantala sa kabila ng pangamba sa kontaminasyong nuclear, patuloy pa rin ang importasyon ng mga negosyante sa mga produktong buhat sa Japan.

Ayon sa Food and Drugs Authority (FDA), bukas naman ang mga importers na sumailalim sa “random testing” ng Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) sa kanilang mga produkto upang makatiyak rin na pawang mga ligtas sa kontaminasyon ang makakarating na produktosa mga consumers. Johnny F. Arasga

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply