BFAR: Seafoods sa Pinas ligtas kainin

KAHIT na humalo man sa karagatan ng Northern Japan ang radiation mula sa sumabog na nuclear power plant dito, tiniyak naman ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas pa rin kainin ang mga lamang dagat mula sa karagatan ng Pilipinas.

Ayon kay BFAR Director Malcolm Sarmiento, umaabot sa tatlo hangang apat na oras ang biyahe mula Pilipinas hanggang Japan at sa nasa timog kanluran ng Japan ang Pilipinas kaya imposible na maglakbay ang radioactive sa dagat mula Japan patungong Pilipinas.

Sinabi pa ni Sarmiento, karamihan sa mga isda na naibebenta sa Pilipinas ay nahuhuli sa karagatan ng China habang ang migratory fish gaya ng yellow fin at big eyes tuna na naibebenta rin sa bansa ay hindi nabubuhay sa malamig na karagatan gaya ng sa Japan.

Aniya, na dapat mas katakutan ng mga Pinoy ang paralytic shellfish poison (PSP) o mas kilala sa tawag na red tide. Dagdag pa niya, kapag nakain ng tao ang lamang-dagat na apektado ng red tide ay magdudulot ito ng  matinding epekto sa kalusugan.

Sinabi din niya na ligtas mula sa red tide ang mga lamang-dagat mula sa Manila Bay. Santi Celario

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply