BFP: Mano-mano ang laban sa oil depot

TUMINDIG ang ating balahibo nang tumestigo ang mga taga-Bureau of Fire Protection sa Senado nitong nagdaang mga araw kaugnay ng mga nagaganap na lindol at tsunami.

Kabilang sa mga tinawag ang BFP para sa disaster preparedness dahil napapansin na tuwing may mga lindol, karaniwang nagkakaroon ng mga sunog dahil sa pagkalagot ng mga kawad ng kuryente, pagsabog ng plantang nukleyar gaya ng nangyari sa Japan at iba pa.

Nang dumako ang usapan kung ano ang magagawa ng BFP ukol sa mga oil depot sa Pandacan, Manila, dito na tayo pinanindigan ng balahibo.

Paano, wala palang anomang gamit ang BFP laban sa lumiliyab na gasolina, krudo at iba pang langis.

Eh milyon-milyong litro na produktong petrolyo ang nakaimbak sa mga oil depot sa lugar.

Sabi ni C/Supt. Victoriano Remedio, walang helikopter at wala kahit bangkang papel ang BFP na magbomba ng tubig o kemikal sa mga lumiliyab na gasolina, krudo at iba pang combustible na mga produktong petrolyo.

Ang naaabot lang ng hagdan ng mga firetruck ay hanggang sa fourth floor lang ng isang building.

Naiimadyin ba ninyo, mga Bro, ang milyong litro na liliyab sa mga oil depot?

Aba, magugunaw ang mundo ng mga taga-Pandacan at marahil ay madadamay ang mga nasa kabila ng Pasig River, gaya ng Polytechnic University of the Philippines na pinapasukan ng libo-libong estudyante araw-araw. Eh sumasama pa ang gasolina sa agos ng tubig, high tide man o low tide.
Hanggang saan aabot ang impiyerno dahil lamang sa kainutilan ng BFP?

Dapat kumilos agad sina PNoy at gawan ng paraan ang problema ng BFP. Aba, kilos na riyan bago pa magka-lindol at magkasunog.

MGA BULAAN

Yumaman, sumikat, naging maimpluwensya pa ang mga bulaan na preacher. Pati election, IMPEACHMENT CASE pinakikialaman pa. Isa lang talaga ang balahibo ng mga mandarambong. GBzamora po. 0909293

PEACE AND ORDER CZAR

Hindi na kailangan ang peace and order czar na gusto ng ibang mambabatas. Panibagong patong na naman sa jueteng yan! Mas ok kung sibakin si Gen. Raul Bacalzo ng Philippine National Police. 919555

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Benny Antiporda

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply