BI chief pinasisibak ni Sen. Escudero

HINILING ni Sen. Francis “Chiz” Escudero sa Palasyo na sibakin kaagad si Bureau of Immigration officer-in-charge Ronaldo Ledesma sa kapalpakan ng ahensiya matapos ipatapon ang 14 Taiwanese sa China na siyang nagdulot ng pangamba sa relasyong pang-ekonomiya at diplomatiko sa Taiwan.

Sinabi ni Escudero na dapat nang magbitiw si Ledesma at kaagad palitan matapos mabigong tuparin ang kanyang tungkulin at niloko ang awtoridad kabilang si Pangulong Benigno Aquino, III.

“Naniniwala ako na hindi ibinigay ni Commissioner Ledesma ang makatotohanang pangyayari sa likod ng deportasyon ng 14 Taiwanese. Nakahahalatang pinasabog at kinalimutan ang ilang pangyayari na ibinigay ng BI,” giit ni Escudero.

Naniniwala din si Escudero na  may kamalian sa report ng Department of Justice na ibinigay kay Pangulong Aquino dahil pinagbasehan nito ang nakapagdududang ulat ng BI sa ahensiya.

Ayon kay Escudero, chairman ng Senate committee on justice and human rights, may malinaw na kawalan ng due process at paglabag sa batas ng Pilipinas sa pamamaraan ng paghawak sa isyu.

Iginiit pa ng senador na may balidong dokumento na nagpapakitang dokumentado ang mga Taiwanese nationals, salungat sa pahayag ng BI na pumasok sila sa bansa nang walang pasaporte at visa.

“The BI knew based on their own arrival data that the 14 suspects were Taiwanese nationals. They were duly received and cleared by our own immigration based on the travel documents they presented when they entered the country, debunking the claim of BI,” paliwanag ni Escudero

Nang inendorso ng National Bureau Investigation (NBI) ang mga suspek sa BI matapos itong maaresto noong Disyembre 27, ang tanging dahilan ay ipasuri lamang ang kanilang immigration status at kung may criminal records at hindi para isagawa ang proseso sa pagpapatapon.

Lumitaw sa ulat ng NBI na nagulat sila nang lumabas ang deportation order at saka isinagawa ang proseso ng BI nang walang tagubilin sa kanila bilang arresting authority.

“The loopholes are just too many for the BI to justify their mess. Under section 28 of the Philippine Immigration Act, an alien ordered deported shall be removed a) to the country where he came from, b) to the foreign port at which he embarked for the Philippines c) to the country of his nativity, and d) to the country in which he resided prior to coming to the Philippines,” paliwanag ni Escudero. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply