Bibili ng tinapay kinatay sa Pasay

NAMATAY ang isang lalaking lumabas lamang sa bahay upang bumili ng pandesal matapos itong pagsasaksakin ng kaalitan noong Martes ng hapon.

Ayon sa ulat na inilabas nitong Miyerkules, agad namatay ang biktimang si Voltaire Agendo, 46, ng F.B. Harrison St., sa nasabing lungsod nang magtamo ito ng mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naglalakad patungong sa isang malapit na panaderya si Agendo nang sundan ng suspek na si Robert Padino, 27, kapitbahay ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Simon Respicio ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay City police, ginantihan ng suspek ang biktima sa ginawang pananaksak
ng huli sa una noong nakaraang Disyembre.

Dahil makupad ang pag-usad ng kaso na dinidinig sa Pasay City Prosecutor’s Office, minabuti  ng suspek na siya na mismo ang sumintensya ng kamatayan sa biktima.

Nakatakas ang suspek dala ang patalim na ginamit sa pagpatay sa biktima. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply