Big 3 ng Heat nanliit sa Bulls

HIYANG-HIYA sa sarili si Heat star forward LeBron James dahil sa pagiging inutil dahil hindi niya madala ang  kanyang koponan sa panalo matapos matikman ang 4 losing streak sa nagaganap na 2010-11 national Basketball Association, (NBA) regular season.

Natalo ng isang puntos ang Miami kahapon ng umaga (Linggo ng gabi sa Amerika) sa Chicago Bulls, 86-87 upang ilista ng huli ang tatlong panalo nila sa una nitong regular season.

“The Miami Heat are exactly what everyone wanted, losing games,” malungkot na sabi ni Wade. “The world is better now because the Heat is losing.”

Halos wala ng init na inilalabas ang Big 3 ng Heat dahil nasa pangatlong puwesto na lamang sila sa team standing ng Easter Conference matapos manuwag si Bulls guard Derrick Rose ng 27 puntos, limang assists at isang rebound.

Nagdagdag si Luol Deng ng 18 puntos, tatlong assists at dalawang boards habang si carlos Boozer ay nag-ambag ng 12 puntos, 10 rebounds at two assists upang itarak ng Bulls ang 43-18 win-loss card.

“We have guys who can close,” panayam ni Bulls coach Tom Thibodeau.

May pagkakataong sanang manalo ang Heat kung naipasok lamang ni James ang kanyang drive, may anim na segundo ang nalalabi sa laban kaya naman sinisisi nito ang sarili (James) sa pagkatalo nila ng gabing iyon.

Nagbitaw naman ng salita ni James sa kanyang mga kakampi na hindi niya hahayang magpatuloy ang ganuong pagkatalo.

Kumana si James ng 26 puntos, walong rebounds at anim na assists habang nagbuslo naman sina Chris Bosh at Dwyane wade ng 23 at 20 pts. ayon sa pagkakasunod.

Samantala, nilista ng Los Angeles Lakers ang seventh winning streak matapos ang 99-83 panalo laban sa regular season best team record San Antonio Spurs.

Sa ibang resulta ng NBA games, sinilo ng New York Knicks ang Atlanta Hawks, 92-79 habang tinalo ng Boston Celtics at Milwaukee Bucks, 89-83. Elech Dawa

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply