‘Big 3’ tinuligsa ng transport group

TINULIGSA ng isang transport group ang pagiging manhid sa pagpapatupad ng rollback ng tatlong malalaking kompanya ng langis sa bansa.

Magugugnita na pinangunahan ng tatlong independent oil players ang pagtatapyas ng P1 kada litro  ng kanilang produktong gasolina matapos ang bahagyang pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Kabilang sa mga nanguna sa pagbabawas ng presyo ang Unioil Philippines, Eastern Petroleum at Seaoil na naging epektibo ang rollback dakong 6 ng umaga kahapon.

Ayon kay Leah Flor, tagapagsalita ng Unioil, nagpasya silang magtapyas ng presyo ng kanilang quantum, unleaded at regular gasoline makaraang bumaba noong nakaraang linggo ang halaga nito sa world market.

Gayunman, sinabi ni Flor na hindi sila nagtapyas ng presyo ng kanilang diesel ang kerosene dahil nananatiling mataas ang halaga nito sa pandaigdigang pamilihan.

Sa kabila ng rollback sa presyo ng gasolina ng naturang mga kompanya, wala namang katugunan ang mga kinatawan ng dambuhalang kompanyang Chevron, Petron at Pilipinas Shell.

Dahil dito, mariing binatikos ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang hindi pagtatapyas sa presyo ng kanilang produkto ng mga dambuhalang kompanya bagama’t naniniwala silang hindi lamang ang presyo ng gasolina ang dapat tinapyasan kundi pati na ang diesel at kerosene.

Sinabi ni PISTON Secretary General George San Mateo na hindi nila tatantanan ang pangangalampag sa tanggapan ng mga dambuhalang kompanya sa Makati City hangga’t hindi nagiging makatarungan ang mga ito sa pagtatakda ng presyo ng kanilang produkto.

Hanggang ngayon ay wala pa ring inilalabas ang isa man sa malalaking oil companies para ibaba ang produktong petrolyo. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply