Bigtime derby ng WTJ

RATSADA na ang malalakas na pasabong ng WTJ Sports and Amusement Center (Makati City) dahil muling ilalarga sa Huwebes, March 3, ang isa pang bigtime event — ang “Pinoy Cockers Association of the Philippines (PCAP) 6-Cock Derby.”

Siniguro muli rito ang balikatang mga sultada mula umpisa hanggang matapos.

Ikatlo na ito sa serye ng PCAP derbies na pawang nakalinya sa WTJ Center.

Matatandaang nagkampeon sa unang leg noong Enero ang Tiger Wings entry habang sina Cong. Rudy Albano at Lito Orillaza naman ang kampeon sa second leg.

Samantala, nakahanay din ang “WTJ Employees 3 – Cock Derby” sa Marso 10; Luzon Gamecock Breeders Association Open 6-Cock Derby sa Marso 17 at 22; “Pambansang Kamao Big Event 7-Cock Derby sa Marso 24 at Unified Cavite Breeders Association 4-Cock Derby sa Marso 31.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply