Biker basag ang bungo sa motorbike

NAGKABALI-BALI ang buto at basag ang bungo ng isang lalaking nagbibisikleta makaraang salpukin ng naka-motorsiklo kaninang madaling-araw sa Muntinlupa City

Naisugod pa sa Ospital ng Muntinlupa ang biktima na si Arnel Gabucay, ng Forth Estate, Sucat, Parañaque City pero namatay din dakong 7 ng umaga bunga ng internal hemorage at pagkakabali ng buto sa katawan.

Sugatan din at nailalapatan ng lunas sa naturang pagamautan ang suspek na si Mauro Edrozo, ng 430 B. Bagumbayan, Taguig City.

Batay sa report ni PO3 Henry Sayson, ng Muntinlupan City Mobile Unit at Traffic Enforcer Edward Tamayo, ang insidente ay naganap 4:40 ng madaling-araw sa East service road, tapat ng Tribeca Condominium, Sucat, nabanggti na lungsod.

Sakay ng Honda motorcycle (4874 TL) si Edrozo nang aksidenteng masalpok sa likurang bahagi ang bisikletang sinasakyan ni Gabucay.

Hindi umano napansin ng suspek sa kanyang harapan ang tumatakbong bisikleta ni Gabucay dahil may kadiliman ang bahagi ng East Service road kaya nasalpok niya ang biktima na tumilapon ng may limang metro at unang tumama ang ulo sa semento.

Nawasak din ang unahang bahagi ng motorsiklo ng suspek na bumaligtag at nagresulta sa pagkakasugat sa mukha, at ibang bahagi ng katawan. Johnny F. Arasga

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply