Biking capital target ng Marikina

MATAPOS ang dahan-dahang pagbangon mula sa sakunang dulot ng bagyong “Ondoy” ay hinahangad naman ngayon ng Marikina City na maging opsiyal na “Biking Capital” ng bansa.

Ayon kay Marikina city Mayor Del de Guzman, plano nilang makuha ang titulo ng biking capital kung kaya pinag-aaralan na nila ang lahat ng dapat na maging hakbangin para makamit ito.

Kaugnay nito ay ipinag-utos ng alkalde ang muling pagbubukas sa isang tanggapan na magsusulong ng pagbibisikleta bilang alternatibong pamamaraan ng transportasyon.

Una nang binuhay ng Marikina City ang 52-kilometer network bikeways, na nakumpleto noong 2007, ngunit hindi namantine.

Sa pamamagitan ng Executive Order 005-11, muling binuksan ni de Guzman ang Marikina Bikeways Office na una nang nilikha noong 2001, para i-educate ang mga tao hinggil sa pagbibisikleta, ngunit binuwag ito may anim na taon na ang nakalilipas.

Ang MBO rin ang magpapatuapd ng marketing strategies para mailagay ang bikeways sa mapa, at matiyak ang maintenance ng naturang imprastruktura.

Umaasa naman ang alkalde na mabebenipisyuhan ng naturang hakbang ang mga residente, dahil maliban sa isang magandang ehersisyo ang pagbibisikleta ay malaking tulong din ito upang mabawasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko.

Maging ang Inang Kalikasan ay inaasahang makikinabang din sa naturang adbokasiya, dahil mababawasan ang carbon monoxide at iba pang usok na mula sa mga sasakyan, na nagdudulot ng polusyon.  Jhie Convocar

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply