Bilang ng Kano sa Balikatan liliit na dahil abala sa Japan

DAHIL sa nasalanta ng magnitude 8.9 na lindol ay higanteng tsunami ang Japan ay naapektuhan ang nakatakdang RP-US Joint military exercise sa Abril.

Sinabi ni Army Maj. Enrico Ileto, public affairs officer ng Balikatan, na abala ang maraming miyembro ng United States contingent sa isinasagawang relief mission sa Japan.

Ilang unit ng mga Amerikanong sundalo lamang umano ang nakatakdang magpartisipa sa joint war exercise kasama ang Armed Forces of the Philippine (AFP).

“Balikatan will take place as scheduled but there may be some adjustments on field training exercises and command post exercises,” ayon kay Ileto.

Nilinaw naman ng tagapagsalita na nakalatag na construction projects sa ilalim ng 27th RP-US Balikatan.

“Balikatan will push through in spite of this series of incidents in Japan,” ani ileto. “We see no reason why it will not push through.”

Nakatakdang idaos ang ika-27 edisyon ng RP-US Balikatan sa Abril 5-15, 2011 na sasalihan ng may 5,000 Amerikanong sundalo.

Ang sentro umano ng Balikatan ang maging handa sa pagkakaloob ng relief and assistance sa mga taong apektado ng natural disasters at krisis na may kaugnayan sa  public health and safety.

“Soldiers, sailors, airmen, and marines from our countries are scheduled to conduct combined staff exercises and field training at Clark Air Base, Fort Magsaysay, Crow Valley, and off the central and southern Luzon coasts to improve interoperability, maritime security and contingency planning,” pahayag ng US Embassy.

Nabatid na magsasagawa ng  humanitarian assistance projects  Central at Southern Luzon.

Bukod dito ay magsasagawa rin ang mga lalahok sa Balikatan ng libreng medical, dental at veterinary care, gayundin ang pagtatayo at pagkukumpuni ng mga kalsada, paaralan at iba pang community projects.  Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply