Bilang ng patay, nawawala sa Japan umabot sa 28,000

HIGIT sa 28,000 ang bilang ng mga patay at nawawala sa lindol at tsunaming tumama sa Japan noong nakaraang Marso 11.

Ayon sa National Police Agency ng Japan, 11, 004 ang kumpirmadong patay at 17,339 naman ang nawawala sa nasabing bansa.

Nakilala na ang 8,030 bangkay at naiuwi na rin ang mga ito sa kani-kanilang mga kaanak.

Kinumprima ng awtoridad na ang pinakamataas na bilang ng patay ay sa Miyagi Prefecture, na may 6,692, kasunod ang Iwate Prefecture, na may 3,264 at ang Fukushima, na may 990.

Ang tatlong bnabanggit na lugar ang pinakapininsala ng magnitude 8.9 na lindol na sinundan ng dambuhalang tsunami, na lumamon at sumira sa maraming bahay, gusali at establisimyento.

Hindi kasingtaas ng bilang ang mga nasawi sa Fukushima kung ikukumpura sa Iwate at Miyagi dahil sa pagkakasuspinde ng  search operations dito.

Ipinagbabawal ang pumasok sa 20-kilometrong radius sa napinsalang Fukushima Daiichi nuclear power plant.

Aminado rin ang awtoridad na mas lalo pang dadami ang bilang ng namatay oras na matukoy na nila ang kabuuang pinsala na dinulot ng trahedya. Remate Online

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply