Biliran, Leyte nilindol

NIYANIG ng lindol ang mga lalawigan ng Biliran at Leyte ng intensity 4.3.

Ayon sa panayam kay Philvocs Director Renato Solidum sa dzMM, naramdaman ang intensity 4 sa lalawigan ng Biliran habang sa Leyte naman ay intensity 3 at intensity 2 sa Capoocan,Leyte.

Wala namang iniulat na nasira at nasaktan sa naturang lindol subalit lubhang ikinabahala ng mga tagarito ang naturang lindol dahil sa sobrang malambot na ang lupa sa bundok dahil sa patuloy na pag-uulan sa lugar.

“Natatakot kami baka bigla nalang magkaroon ng landslide uli dito sa amin”, ayon sa isang residente ng Tacloban City na ang kanyang bahay ay muntik nang matabunan ng landslide noong nakaraang linggo. Marjorie Dacoro

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply