Binata todas sa onsehan sa droga

TODAS ang isang binata matapos malapitang pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa Tala, Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan na si Jaime Lucaden, 45, ng  194 Brgy, Sto Niño Tala, nasabing lungsod.

Agad namang inatasan ni Sr. Supt. Jude Willson Santos ang kanyang mga tauhan na arestuhin ang dalawang hindi pa nakikilalang salarin na tumakas matapos ang pamamaslang.

Sa imbestigasyon, alas-11 ng umaga kanina, Marso 6, nang maganap ang insidente sa harap ng isang sarisari store  sa nasabing lugar.

Nakaupo habang naninigarilyo ang biktima nang dumating ang dalawang salarin saka agad nagbunot ng baril  at tatlong ulit na pinaputukan si Lucaden.

Hinala naman ng pulisya na posibleng onsehan sa droga ang motibo sa krimen. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply