Binata utas sa magkakamag-anak

PATAY ang isang binata matapos harangin at pagbabarilin ng apat magkakaanak habang ang una ay naglalakad sa Caloocan City Huwebes ng madaling-araw, Marso 24.

Dead on arrival sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si Arnel Bardaji, 27 ng Salmon St., nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis sina Raffy Claro, 26; kapatid na si Ariel, 24 mga pinsan na sina Romeo, 48 at kapatid na si Benjie, 45, kapwa kalugar ng biktima.

Base sa ulat, dakong 12 ng madaling araw, naglalakad ang biktima sa Salmon St., nasabing lungsod nang salubungin at harangin ng mga suspek.

Dalawa sa mga suspek ang agad na nagpaputok sa biktima bago nagsitakas habang dinala naman si Bardaji sa TMC.

Nabatid na bago ang insidente ay nakaaway ng biktima ang suspek na si Raffy. Rene Manahan

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply