Binatilyo patay sa kasuntukan

UTAS ang isang binatilyo  matapos pagsasaksakin ng kanyang nakasuntukan sa loob ng fish port matapos mag-away dahil sa agawan ng isda sa Navotas City.

Ang biktima na hindi na umabot nang buhay sa  Tondo Medical Center sanhi ng tama ng saksak sa katawan ay si Carlo Calaguing, 16, ng Block 3, Lot A, Phase 3, Dagat-dagatan Caloocan City.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng awtoridad ang suspek na si Mark Anthony Gardose.

Sa nakalap na impormasyon sa Headquarters Regional Maritime Office  ng Navotas-PNP, ganap na  4:30 ng madaling-araw kahapon, Marso 14 nang maganap ang insidente sa tapat ng Flying V, gasoline station sa  Market 3, Navotas Fish Port Complex, nasabing lungsod.

Nabatid na nagtalo ang biktima at suspek dahil sa agawan ng panindang isda.

Dahil dito ay agad na sinapak ng biktima ang suspek sa mukha, na ikinabwisit ng huli kaya bumunot ng patalim at pinagsasaksak ang una.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek sa hindi matukoy na deriksyon. Roger Panizal

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply