Binatilyo pinagsasaksak, tigok

UTAS ang isang binatilyo matapos itong pagsasaksakin ng kanyang nakasuntukan sa loob ng fish port dahil sa agawan umano ng isda sa Navotas City Lunes ng umaga..

Ang biktima na hindi na umabot na buhay sa  Tondo Medical Center sanhi ng tama ng saksak sa katawan ay nakilalang si Carlo Calaguing, 16, residente ng Block 3, Lot A, Phase 3, Dagat-dagatan Caloocan City.

Kasalukuyang pinaghahanap na ng awtoridad ang suspek, na nakilalang si Mark Anthony Gardose.

Sa nakalap na impormasyon sa Headquarters Regional Maritime Office ng Navotas-PNP, naganap ang insidente bandang 4:30 ng madaling araw sa tapat ng Flying V gasoline station sa  Market 3, Navotas Fish Port Complex sa nasabing lungsod.

Nabatid na nagtalo umano ang suspek at biktima dahil sa pag-aagawan ng isda.

Agad na sinapak ng biktima ang suspek sa mukha kaya’t bumunot ang huli ng patalim at pinagsasaksak sa katawan ang una.

Mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na patalim, habang dinala naman ng ilang nakasaksi ang biktima sa naturang pagamutan, kung saan ito ay idineklarang patay na. Roger Panizal

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply