Binatilyo sa pamamaril sa campus bumigay na

KUMPIRMADONG namatay na nitong Martes ng hapon, Marso 8, ang binatilyong nagbaril sa sarili matapos paputukan sa mukha ang kanyang dyowa sarili noong Marso 5 sa Unibersidad de Manila (UDM).

Ang kanyang kasintahan ay kasalukuyan pang ginagamot sa ospital.

Nabatid kay SPO3 Henry Ignacio ng MPD-Homicide Section na dakong 4:30 ng hapon ay bumigay na ang katawan ni Judiel Lumbad, 17, sa emergency room ng Philippine General Hospital sa  Taft Ave., Maynila.

Si Lumbad ay anak ni SPO4 Richard Lumbad na nakatalaga sa Manila City Hall.

Matatandaan na si Lumbad ay naospital nang magbaril ito sa kanyang sintido matapos silang magtalo ng kanyang girlfriend, na isang SK Chairman at kapwa nito estudyante sa nasabing unibersidad.

Hanggang ngayon ay nasa pagamutan pa rin ang dalagita sanhi ng tinamong tama ng bala ng .38 paltik sa kanyang ilong na tumagos sa kanyang pisngi. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply