Binatilyo todas, 3 sugatan sa holdap

PATAY ang isang menor-de-edad na holdaper, habang sugatan ang tatlong iba pa matapos manlaban sa mga nagpapatrolyang miyembro ng Manila police sa panulukan ng Adriatico at P. Ocampo, Malate, Maynila, Huwebes ng umaga, Marso 3.

Dead on arrival sa Ospital ng Maynila si Marvin Bagunas, 17, habang arestado naman sina John Rocell Asis, 15; Marco Om, 18; at Daniel Lesaca, 22, tadtad ng sugat, bugbog at pasa sa katawan, pawang ng Makati City.

Sa pahayag ng mga suspek, galing umano sila sa pangangalakal ng basura sa Pasay City at ibinenta nila ito sa junkshop sa Dakota.

Pagsakay sa pampasaherong jeep sa V. Cruz tapat ng Harrison Plaza ay nagsisigaw umano ang driver ng “holdaper.”

Dahil dito agad nagsibaba ang grupo ni Bagunas at nagkanya-kanya ng takbuhan subalit naabutan ng mga miyembro ng mobile group ng MPD at minalas na tinamaan ng bala ang isa sa kanila.

Mariin namang itinanggi ng mga suspek na sila ay mga holdaper. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply