Binatilyo todas sa frat war

NASAWI ang isang 19-anyos na binatilyo na miyembro ng isang fraternity matapos makasagupa ang tinatayang may 30 miyembro ng kalabang fraternity, Linggo ng gabi, Marso 20, sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ni P/Insp. Armand Macaraeg, hepe ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section ang biktima na si Henry Carpio, binata, walang trabaho, ng 1027 Crisostomo St., Sampaloc, Maynila at miyembro ng Istomo Youngters Gang.

Tinutugis naman ng pulisya ang may 30 miyembro ng Loyola and Marquitos Hood Gang na pawang mga nakatira sa bisinidad ng Plaza Noli, Sampaloc.

Sa report ni SPO3 Danilo Vidad, dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang sagupaan  sa pagitan ng Istomo Youngters Gang at Loyola and Marquitos Hood Gang.

Nauna rito, nasa lugar umano ang grupo ng biktima nang biglang dumating ang kalabang fraternity lulan ng pitong tricycle at pumosisyon sa iba’t ibang parte ng lugar.

Nagpaputok ang Loyola sa direksyon ng grupo ng biktima kung saan gumanti naman ng paghagis ng bato ang grupo ng huli hanggang nauwi na sa matinding rambulan.

Muling nagpaputok ang grupo ng suspek sa Isomo Youngters at tinamaan ang biktima sa kaliwang dibdib.

Isinugod sa University of Santo Tomas Hospital ang biktima subalit namatay din habang ginagamot.

Patuloy naman ang isinasagawang follow-up operation ng pulisya para sa ikadarakip ng mga suspek na nagtago matapos ang insidente.

Sa nasabing rambulan din ay nadamay ang isang nakaparadang Toyota Hi-Ace (RCG-158) sa lugar na nagtamo ng tama ng anim na bala  ng baril na ginamit sa inseidente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply