BIR walang ipinapatupad na bagong buwis
NILINAW ni Commissioner Kim Henares ng Bureau of Inernal Revenue na walang ipinapatupad na bagong buwis ang Aquino government sa loob ng unang 18 buwan ng taon o hanggang sa Disyembre 2011.
Ito ang iginiit ni Henares sa ginanap na pagdinig ng House committee on ways and means, Lunes, Marso 21, kaugnay sa kontrobersyal na Annual Information Return (AIR) sa chairmanship ni 2nd district -Batangas Rep. Hermilando Mandanas.
Nilinaw din ni Henares na ang Annual Information Return (AIR) na nakasaad sa Revenue Regulation 02-2011 na inisyu noong Marso 1 ay hindi isang taxing scheme.
“We are not imposing any new taxes. We are not passing anything that will be imposing new taxes. We’re just implementing the law and we recognize that the taxing power belongs to Congress,” sinabi pa ni Henares sa Komite.
Sa ginanap na pagdinig, hiindi rin inihayag ng commissioner ang makokolekta mula sa AIR sa sandaling ipatupad ito nang tanungin ni 2nd district- Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo.
Wala aniyang eksaktong figure dahil sa ang layunin umano ng AIR regulation ay itaas ang compliance ng taxpayers.
Sa kabila nito bagamat hindi umano magpapatupad ng bagong buwis ang gobyerno, nananatili pa rin silang nakatutok sa pagtaas ng revenues sa pamamagitan ng tamang tax collection at restruction ng batas kaugnay sa buwis.
Matatandaan na noong nakaraang linggo, sinabi ni Presidential communications Secretary Ricky Carandang na pinakamainam na magpatupad ng bagong tax measure ay sa loob ng dalawang taon termino dahil sa ito ang may pinakamataas na bilang.
Ang pahayag na ito ni Carandang ay kaugnay sa rekomendasyon ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na ang pagtataas ng buwis ay mahalaga upang matugunan ang Millennnium Development Goas (MDGs) sa taong 2015. Beth Aragon
You must be logged in to post a comment Login