Black sand mining tinuligsa

NAG-RALLY Lunes, Marso 21, ang mga residente  ng Gonzaga, Cagayan dahil sa umano’y ilegal na pagmimina ng itim na buhangin sa kanilang probinsya.

Umabot sa mahigit 2,000 katao mula sa mga barangay ng Batangan, Calayan, at Minanga sa Gonzaga ang nagpiket sa harapan ng isang mining construction sa Batangan, Gonzaga dahil sa pagpasok ng Huaxia sa kanilang lugar.

Ang  Beijing-based Huaxia ay inisyuhan ng dalawang 20-hectare mining permit para sa magnetite sand, kung saan kasama ang residential at coastal areas sa loob ng 200-meter shoreline.

Ang Gonzaga ay isang first class municipality na may 125 kilometro ang layo mula sa Tuguegarao City at may populasyong umaabot sa 35,400 katao.

Ayon kay Alyansa Tigil Mina national coordinator Jaybee Garganera, nagsisimula na ang construction work ng Huaxia at natatakot ang mga tao sa magiging epekto nito sa kanilang komunidad.

Idinagdag pa ni Garganera na hindi nagkaroon ng public consultation ang nasabing proyekto.

Dahil dito, dapat umanong agad na kanselahin ang black sand mining permit na inisyu sa Huaxia Mining and Trading Corporation noong Dec. 12, 2010.

Sa inisyal na research, napag-alamang ang magnetite mining ay nagiging sanhi ng mga problema sa agrikultura at kapaligiran sa nasabing lugar.

Sinabi rin sa report na ang black sand mining sa coastal areas ay laging nagreresulta sa coastal erosion o pagguho, pagkasira ng mga komunidad, at pagkasira ng marine ecosystem.

Noong 2009, napatunayang naging sanhi ito ng beach erosion sa Cagayan province kaya mahigpit na tinututulan ng mga Cagayan communities ang black sand mining. Nenet L. Villafania

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply