Blue Ribbon bigong mapiga si Mrs. Ligot

BIGUNG-BIGONG mapasagot ng ilang  miyembro ng Blue Ribbon Committee si Erlinda Yambao-Ligot hinggil sa multi-milyong dolyar na halaga ng ari-arian nito sa dalawang lungsod sa California kahit nakalagda ito sa mga dokumento.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Blue Ribbon Committee sa pamumuno niChinggil sa talamak na korapsiyon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), hindi napiga si Mrs. Ligot dahil iginiit nito ang kanyang karapatan sa ilalim ng Saligang Batas.

“Your honor, with due respect, I invoke my right against self-incrimination,” ayon kay Mrs. Ligot.

Inuungkat ni Sen. Jinggoy Estrada kung pag-aari nito (Mrs, Ligot) ang isang tahanan sa Stanton Avenue, Buena Park City, Orange County, California na ibinenta sa isang “unmarried woman” sa pangalan na Erlinda Yambao.

Nakalagay din sa dokumento ni Estrada ang salitang “unmarried woman” sa pangalan ni Mrs. Ligot.

Natuklasan ni Estrada na binili ni Erlinda Ligot ang naturang tahanan saka ibinenta ito noong July 16, 2004 sa isang Erlinda Yambao, ang panahon na iniimbestigahan ng Mababang Kapulungan ang eskandalong kinasasangkutan ni dating AFP comptroller ex-Major Gen. Carlos Garcia.

“I can’t comment on that, your Honor, I invoke my right against self-incrimination,” ayon kay Mrs. Ligot.

Sinabi pa ni Estrada na maayos na maayos ang pagsagot at paggamit ni Mrs. Ligot sa karapatan nito sa Bill of Rights hinggil sa rights against self-incrimination.

“Naka-valium po ako, 5 milligram po,” tugon ni Mrs. Ligot.

Tanging sinagot ni Mrs. Ligot ang katanungan ni Estrada kung kailan ito ikinasal kay Gen. Ligot, saan nagtrabaho bago mapakasal sa heneral at kung ilan ang naging supling nito.

“Noong 1977, mayroon po kaming tatlong anak,” sagot ni Mrs. Ligot.

Hindi rin sumasagot si Mrs. Ligot sa katanungan ni Estrada kung ilang beses itong nagbiyahe sa abroad dahil nakasampa na ang naturang kaso sa korte kaya’t hindi maaaring tugunan dahil maaari itong makasama sa kaso.

Bumiyahe si Mrs. Ligot sa ibang bansa partikular sa Estados Unidos ng 42 beses base sa dokumentong nakuha ni Estrada sa Bureau of Immigration (BI).

Hindi rin sumagot si  Mrs. Ligot sa tanong ni Estrada kung nagpapaalam ito kay Gen. Ligot kapag bumibiyahe sa ibang bansa at kung sino ang kasaman nito sa tuwing bumibyahe.

“Kung pwuede po (huwag nang sumagot), wala na po dahil nasa korte na iyon at doon na lamang siguro namin sasagutin iyan,” giit ni Mrs. Ligot. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply