BNPP pinabubuhay ng dalawang solon

SA kabila ng posibleng radiation leak sa dalawang nuclear power plant sa Japan sanhi ng 8.9 magnitude na lindol, buo pa rin ang paniniwala ng dalawang senador na maayos na mapapatakbo ng bansa ang Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa Bataan.

Sa magkakahiwalay na panayam, sinabi nina  Senate Majority Leader Vicente Sotto III at Sen. Gregorio Honasan na isang matibay na ebidensiya ang malakas na lindok sa Japan na umabot sa magnitude 8.9 na hindi kayang tibagin ng lindol ang nuclear power plant basta maayos ang pagkakagawa at may sapat na safety measures.

“At least ngayon kita nila na safe pa rin kahit may disaster,” pagdidiin ni Sotto.

Marami sa nuclear power plant sa Japan ang agad nag-shutdown maliban sa Fukushima-Daiichi nuclear plant na nagkaroon ng problema sa cooling system kasabay ng pagtaas ng radiation level sa 1,000 percent.

Sinabi naman ni  Honasan, dating chairman ng senate committee on energy, na hindi maaaring abandonahin ng gobyerno ang opsyon para sa paggamit ng nuclear power dahil sa nakaambang energy crisis sa bansa.

Aniya, ang problema ng bansa sa energy shortage ay nadagdagan pa ng problema ng kaguluhan sa Gitnang Silangan, kung saan 22.79 percent pa naman ng ating kuryente ay nagmumula sa ‘oil based’.

“Kapag kinulang tayo, saan tayo kukuha ng kuryente?” pagtatanong ng senador.

Ipinanukala pa ni Honasan sa administrasyong Aquino na muling pulungin ang Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) upang resolbahin ang usapin sa nuclear energy.

“Timbangin nila yung problema, energy crisis o yung safety,” wika ni Honasan.

Itinayo ang BNPP noong 1976 bunsod ng oil embargo ng mga miyembro ng OPEC.

Natapos ito noong 1984 sa gastos na $ 2.3 bilyon subalit hindi naman pinatakb sanhi ng ilang safety concern. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply