Bocha nakumpiska sa Bulacan

AABOT sa P100,000 halaga ng “double dead” ang nakumpiska sa isang police checkpoint sa Bulacan, Biyernes, Marso 25.

Ayon sa report ng dzBB, nasa kustodiya ngayon ng pulisya ang driver at helper ng Asian utility vehicle (WRH-908) na nagdedeliver ng naturang karne.
Ayon pa sa ulat, nakumpiska ang mga bocha sa isang checkpoint sa Brgy. Muzo, San Jose Del Monte, bandang 11 a.m.

Nabatid pa sa report ng dzXL, may timbang na 652 kilos ang mga karneng nakumpiska.

Nakilala naman ang driver na si Antonio Marquez at helper nito na si Nestor Paler,mga hinihinalang may-ari rin ng mga karne.

Nabatid na nakatakda sanang i-deliver ang mga karne sa Santa Maria nang maharang ang mga ito. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply