Bodyguard ng mayor inaresto ng NBI

DINAKIP ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bodyguard ni Bauan, Batangas Mayor Ryan Dolor dahil umano sa impormasyon na nagtatago ito ng mga armas sa kanyang bahay Biyernes ng umaga, Marso 11, sa Bauan,Batangas.

Ang pagkakaresto kay Danilo Ilagan ay nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng mga armas at granada sa isinagawang pagsalakay sa kanyang bahay sa Nuestra Senora Poblacion Dos at Villa Orense, Poblacion Kuwatro, Bauan, Batangas,

Ayon sa NBI sa bisa ng search warrant ay nakumpiska ang mga armas sa cabinet ng bahay ni Ilagan kabilang na ang magazine ng baril.

Nakita umano ang granada ng buksan ang baby wipes container, bukod pa sa 2 granada na nakumpiska kay Ilagan.

Base naman sa natanggap na impormayson ng NBI, may alegasyon na ang grupo ni Ilagan ay nagkakaloob ng serbisyo sa mga negosyante upang iharass ang mga kalabang negosyante.

Bineberipika rin ng NBI kung ang grupo ni Ilagan ay kinuha bilang private army ng isang pulitiko noong nakalipas na eleksiyon,bagay na itinanggi naman ni Mayor Dolor.

Nahaharap ngayon sa kasong illegal possession of firearms and explosive si Ilagan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply