Bodyguard ng pulitiko arestado sa P1M shabu

ISANG bodyguard ng kilalang politiko at tatlong kasamahan nito ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa loob ng SM City sa Clarkfield, Pampanga.

Sa isinumiteng ulat ni PDEA Metro Manila Regional Office Director Wilkins Villanueva kay  Usec. Jose Gutierrez Jr., PDEA Director General, kinilala ang mga nahuli na sina Ener Canlas, 46, ng 1744 Mactan St., Claro M. Recto, Angeles City ; Emee Bangcaya, 32, ng 0030 Gate 17, Area D, Parola Compound, Tondo, Manila; Jean Alfonso, 23, ng Brgy. San Nicolas, Tarlac City at Arwin  Lagman, 26, ng 1742 Mactan St., Claro M. Recto, Angeles City.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang itim na pouch na may lamang malaking plastic sachet ng shabu na tumitimbang ng 200 gramo, may street value na P1 milyon.

Napag-alaman na si Canlas ay bodyguard ng kilalang politiko sa Angeles City  na may alyas na “Tarzan.”

Inaresto ng PDEA ang grupo ni Canlas matapos makipagtransaksiyon ang poseur buyer ng MMRO team na pinamumunuan ni Intelligence Agent  III Rogelio Dacula  sa loob ng SM City sa Pampanga. Alex Ching

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply