Boracay trip ng Pasig City execs sisiyasatin ng DILG

IPINAG-UTOS ni Interior Secretary Jesse Robredo ngayon, Martes, na imbestigahan ang pagpapa-seminar ng pamahalaan ng Pasig City sa 330 opisyales ng mga barangay ng lungsod noong nakaraang buwan.

“I ordered our [Department of the Interior and Local Government] officer in Pasig to check the facts first about the seminar. We want to know who initiated the seminar so that we will know who to address the letter to. We don’t want to appear as if we’re already accusing Mayor [Roberto Eusebio] of something,” ayon kay Robredo sa isang interbyu.

Ibig din umanong malaman ng kalihim kung isinagawa ba ang tatlong-araw na seminar-workshop sa Boracay matapos maipalabas noong nakaraang buwan ang memorandum na nagbabawal sa mga lokal na opisyal na magsagawa ng out-of-town seminars.

“We will see if the Pasig barangay officials still decided to go ahead with the seminar workshop even after the release of the memorandum circular,” ani Robredo.

Niliwanag ng kalihim na maaari lamang payagan ang pagse-seminar sa labas ng kanilang lugar kung ang lugar na pupuntahan ay kailangang-kailangan. Halimbawa umano  ay ang landfill para sa isang proyektong na may kinalaman dito.

Sinabi pa ng DILG chief na kailangang magpaliwanag ang pamahalaan ng Pasig City kung bakit sa Boracay pa ginanap ang nasabing aktibidad.

“We want to know the circumstances behind the conduct of the seminar. If warranted, we will conduct an investigation of the mayor and other local government executives. As for the money spent for the seminar, the Commission on Audit will look into that,” ayon kay Robredo.

Ang seminar-workshop na ginanap noong nakaraang Pebrero 24-26 sa Boracay ay pangalawang bahagi ng isang serye ng seminar. Ang una ay ginanap sa Pasig City noong Pebrero 7-9.

Sa loob ng tatlong  araw ay tumira ang 330 opisyal ng barangay sa Boracay Garden Resort, na may Triple A rating, ang pinakamataas sa mga lokal na resort.

Ayon kay Andrew Santiago ng public information office ng pamahalaang panglungsod, ginastusan ng gobyerno ng lungsod ang seminar-workshop, na isang proyekto ng

Barangay Affairs Office (BAO).  Aniya, aprubado ito ng DILG at Commission on Audit (COA).

Noong isang linggo, sinabi ni Santiago na ipinag-utos na ng alkalde ng lungsod na ihanda na ang ulat ukol sa gastusin ng nasabing seminar sa Boracay. Nangako itong ilalabas ang financial report kinabukasan.

Hanggang ngayon ay hindi pa nailalabas ang nasabing ulat.  Jun Ferrer

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply