Botohan sa Kamara, pwersa ng mayorya

TAHASANG sinabi ni Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas, House committee vice chairman, na ang naganap na botohan kaninang madaling-araw sa Kamara na nag-akyat sa anim na articles of impeachment sa Senado ay senyales lamang na determinadong kumilos o magtrabaho ang mga kongresista.

“This will send a clear signal how the political department-the House of Representatives takes this impeachable offenses filed against the Ombudsman,” pahayag ng kongresista.

Ayon kay Fariñas, mabuti na ring naiakyat ito ng Senado upang mabigyan ng pagkakataon si Ombudsman Merceditas Gutierrez na maipagtanggol ang kanyang sarili.

“This [is] democracy at work. Now it will [be] up to us to prove her guilt before the Senate and she will also have all the chances to refute all the charges against her, so I’m sure her rights are fully protected at the senate.”

Bandang 12:14 ng umaga nang manaig sa botohan ang 210 na sang-ayon para ma-impeach si Gutierrez, 47 ang ‘di sumang-ayon at apat ang nag-abstain.

Naisagawa pa rin ang botohan sa gitna ng pagtatangkang ito ay harangin at matapos ang maiinit na debate ukol sa reklamong betrayal of public trust.

Ang Senado naman ang magsisilbing hukuman na nagpapaloob ng mga senador bilang mga hukom ay mangangailangan lamang ng pitong botong para ma-acquit o mapawalang sala si Gutierrez.

Itinanggi rin ng mambabatas na minadali ang proseso ng impeachment dahil sinunod lamang ng mayorya at liderato ng Kamara ang tamang hakbang ng pag-aakyat ng impeachment complaint sa Senado.

Sa anim na articles of impeachment na naiakyat sa Senado, isa lamang ang mapatunayan ay maaari na umanong ma-impeach si Gutierrez.

Ipinaliwanag din ni Fariñas na walang limitasyon ang Senado kung hanggang kailan maaaksyunan ang pagpapatalsik kay Gutierrez dahil wala itong limitasyon o time limit hindi katulad ng mga kongresista na 60 session days lamang ang ibinibigay sa pag-aksyon sa isang impeachment complaint. Meliza Maluntag

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply