Boxing judge tigok sa bangungot

ILANG oras matapos maging hurado sa isang boxing event sa Naga City, binawian ng buhay ang beteranong boxing judge na si Ricardo Canlas.

Ayon sa mga kaibigan ng biktima, pinaniniwalaang inatake o binangungot ang kilala sa palayaw na “Kuya Ric” habang natutulog.

Sinabi naman ni boxing referee Noel Haduca, kaibigan ng biktima, madaling araw nang atakehin ito at agad nilang dinala sa pinakamalapit na pagamutan.

Matatandaan na si Kuya Ric ay nakilala sa Luzon boxing community at naging judge rin siya ng ilang international fights gaya ng laban ni Manny Pacquiao kay Fahsang 3K Battery sa “Yanig sa Taguig” noong November 2004. Huling naging judge si Canlas noong Sabado ng gabi.

Nakikiramay ang boxing world sa mga naulila ng biktima gayundin ang Remate Sports. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply