Brasuhan sa LP para bumoto sa impeachment nabunyag

IKINAGULAT ng minorya ang mahigpit na kautusan mula sa liderato ng Kamara kaugnay sa gaganaping botohan sa plenaryo ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sa isang text message ni House Asst. Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay sa Remate Online, ipinaalam nito ang isang mensahe mula kay Cavite Rep. Joseph Emilio Abaya, chairman ng House Committee on Appropriations.

Nakapaloob sa text ang mahigpit na pag-uutos sa lahat ng miyembro at hindi miyembro ng Liberal Party na walang tututol o mag-aabstain at liliban sa araw ng botohan sa plenaryo sa committee report o article of impeachment na iaakyat sa Senado.

Ayon sa text message, “from Cong. Abaya: Favor kindly disseminate to all reps – LP and non-LPs. This should be made clear to all.  Those who will vote no or absent / abstain on impeachment will get 0 as in zero.  At least walang sisihan that there was no forewarning.”

Ang botohan sa committee report ng House Committee on Justice na pinamumunuan ni Iloilo Rep. Neil Tupas, Jr. ay gaganapin sa Martes at Miyerkules bago ito tuwirang maiakyat sa Senado.

Sa botohan ay mangangailangan ng 94 na boto mula sa mga kongresista bago ito maiakyat sa Senado na siyang tatayong hukuman sa panahon ng impeachment trial samantalang may 11 kongresista naman ang tatayong mga prosecutors. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply