Brgy. Capt. tepok, 2 sugatan sa pamamaril

TEPOK ang isang barangay captain habang sugatan ang dalawa pa makaraang mamaril ang isang nakamotorsiklong salarin sa Bagued, Abra.

Batay sa ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Loreto Barbosa, incumbent chairman ng Brgy. Taping, Dolores, naturang lalawigan.

Nasugatan naman ang kagawad at isang Grade 6 pupil.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, nagtungo ang kapitan kasama ang kagawad sa provincial capitol para sa papeles nakailangan sa isang proyekto ng kanilang barangay.

Subalit bigla na lamang sumulpot ang mga nakamotorsiklong ssalarin at makailang beses na pinaputok ang calibre.45 sa mga biktima habang nakatayo sa harapan ng kapitolyo.

Inaalam pa ng Bangued PNP ang motibo ng hindi pa nakilalang mga salarin. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply