Brillantes pinaghahanda sa ARMM polls

KINASTIGO ng isang senador ang katwiran ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na hindi makapaghanda sa nakatakdang halalan sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto dahil walang pondo.

Sa panayam, sinabi ni Sen. Alan Peter Cayetano na hindi dapat madaliin ng Palasyo ang Senado na agad pagtibayin ang panukalang pagpapaliban sa ARMM polls, bagkus dapat kumilos kaagad ang Comelec kahit wala pang pondong ipinalalabas ang Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay Cayetano, panukala pa lamang ang pinagtibay sa Mababang Kapulungan kaya walang karapatan ang Comelec na hindi paghandaan ang ARMM elections na itinakda ng batas.

“Anything is still possible but if you’ll ask me today, the sentiment is not for the postponement. So instead of Comelec rushing us, they should prepare as if tuloy yung eleksyon and we will not accept any excuses in case we do not postpone the election or it does not pass in the Senate,” ayon kay Cayetano.

“The mere proposal to postpone, does not give them the right not to prepare,” dagdag niya.

Ani Cayetano, hindi makatotohanan ang katuwiran ni Brillantes na kaya hindi makapaghanda ang Comelec sa nakatakdang halalan dahil hinihintay ng komisyon ang panukalang batas na ipagpaliban ang eleksiyon sa ARMM at walang pondo.

“Take note that in the COA rules, they can bid out what they need to procure even if wala pang SARO except they will hold the award until they get the SARO. So it should not be an excuse that DBM has not released the funds, etc.,” giit ng senador.

Idinagdag pa ni Cayetano na hindi na dapat maulit pa ang problema at kapalpakan ng Comelec sa nakaraang barangay election tulad ng kawalan ng paghahanda na nagdulot ng mas malaking problema sa bansa.

Mensahe pa ng senador kay Chirman Brillantes “stop complaining and let’s work harder to prepare for the ARMM elections,.”

Giit pa ng senador, hindi dapat pinoproblema ni Brillantes ang ipatutupad na patakaran na manggagaling sa Kongreso bagkus dapat ay kumilos ito alinsunod sa umiiral na batas tulad ng ARMM elections. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply