Brown hinatid ang Beermen sa panalo bago sumibat

INIHATID ni Ira Brown ang unang panalo ng San Miguel Beermen sa pagtatala ng winnng tip-in sa 90-89 panalo kontra Meralco B-Bolts Biyernes ng gabi, Marso 4, sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum.

Salamat ang parating ng team ni coach Ato Agustin ngunit malungkot na pamamaalam din kay Brown na nasa huling paglalaro na niya dahil nasa bansa na si dating Seattle Supersonic David Young na ihahalili sa kanya.

Nakadalawang sunod na panalo naman ang Smart Gilas-Pilipinas pagkatapos na talunin ang Alaska Aces, 91-89, sa isang kapana-panabik na overtime game.

Nagtumpok ang naturalized cager na si Marcus Douthit ng 23 puntos at 19 rebounds habang nag-ambag si Chris Tiu ng 17 puntos, 10 rebounds at five assists.

Dahil sa panalo, sumosyo sa liderato ang Smart Gilas sa Rain or Shine Elasto Painters sa hawak na 2-0 record.

Nakatakda namang magharap Linggo ng hapon, Marso 6, ang Powerade Tigers at Elasto Painters sa unang laro at Ginebra Gin Kings at Derby Ace Llamados sa main game. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply