BSP: Lugi ang Banco Filipino kaya ipinasara

LUGI ang Banco Fipino Savings and Mortgage Bank (BF) kaya ito ipinasara ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ito ang nakumpirma sa pagdinig ng House Committee on Banks and Intermediaries nitong Martes, Marso 22.

Sinabi ni BSP Deputy Gov. Juan de Zuniga na noong Setyembre 2010 ang Banco Filipino ay nagtala na ng negative net value na P8.4 bilyon at P2.2 bilyon na pagkakautang na katumbas ng 54 porciento ng total loan portfolio nito.

Naitala rin sa pagsusuri ng BSP na ang Banco Filipino ay meron ng P2.8 bilyon na average annual operating losses o kalugihan mula 2007 hanggang 2009, samantalang nitong 2010 ang lugi ay nasa P277 milyon bawat buwan.

Nalantad din na ang binabayarang kumpensasyon, benepisyo at professional fees ng Banco Filipino ay umaabot na sa P597 milyon bawat taon, higit sa dobleng gross income nito na P242.5 milyon bawat taon.

Magkagayunman, tiniyak ni Teodore Arsenas, Presidente ng BF na may sapat silang assets para bayaran ang kanilang depositors at magpatuloy ang operasyon.

Samantala, simula sa Biyernes, Marso 25, ay sisimulan nang ipadala sa mga maliliit na depositor ang kanilang naipit na pera sa isinaradong bangko.

Nilinaw ni Philippine Deposit Insurance  Corp. (PDIC) executive director Christina Urbeta na hindi covered ng deposit insurance ang mga depositong hihigit pa sa P500,000.

Sinabi niya na makukuha ng mga depositor ang P500,000 sa loob ng 90 hanggang 120 araw kapag nag-file ang depositors ng valid deposit insurance claim.

Pinabulaanan naman ni BF legal counsel Perfecto Yasay ang mga alegasyon ng BSP ukol sa pagdedeklara nila ng bank holiday sa pagsasabing mga lumang records ang basehan ng BSP.  Meliza Maluntag

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply