BSP maglalagay ng special exchange desk para sa Libyan Dinar

MAGLALAGAY ang tanggaan Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at maging sa ibang parte ng bansa, ng special exchange facilities para sa Libyan Dinar upang matulungan ang mga overseas Filipino worker (OFW) na umuwi sa bansa para umiwas sa kaguluhan sa Libya.

Ito ay para matulungan ang mga OFWs na mapadali ang pagpalit ng kanilang pera mula sa bansang Libya, at bukod pa rito, para maiwasan ang pagsasamantala ng ilang mga money changers na baratin ang palitan ng Libyan dinar.

Ayon kay BSP Legazpi City branch manager Marlyn Paje, ang paglalagay ng special exchange facilities ay alinsunod sa utos ng kanilang punong tanggapan sapagkat hindi kabilang ang Libyan Dinar sa 18 acceptable convertible currency ng BSP.

Ani Paje, kabilang sa 18 acceptable convertible currency ng BSP ang US Dollar, Hong Kong Dollar, Canadian Dollar, Singaporean Dollar, Australian Dollar, Brunei Dollar, Bahrain Dinar, Kuwaiti Dinar, Saudi Arabian Dinar, Japanese Yen, UK Pound, Switzerland Franc, Indonesian Rupiah, Thailand Baht, UAE Dirham, Euro, Korean Won, at Chinese Yuan.

Sinabi ni Paje, ito ay dapat ilalagay sa isang commercial bank na malapit sa lokasyon ng paliparan, subalit kung wala ay sa isang commercial bank na nasa stratehikong lugar na lamang.

Idinagdag pa ni Paje na hinihintay na lamang ng kanilang sangay dito sa lungsod ang pormal na komunikasyon mula sa kanilang punong tanggapan kung aling commercial bank ang paglalagyan nito.

Aniya may natanggap na ang kanilang ahensiya ng ilang ulat o reklamo na sa halip na P35 ang kapalit ng Libyan dinar ay P8 na lamang ang ibinibigay ng ilang mapansamantalang money changer.

Ipinaliwanag din ni Paje na ang iba pang currency na hindi kasama sa listahan ng BSP ay maaaring papalitan sa embahada nito sa bansa. Johnny F. Arasga

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply