Building construction sa Maynila ipinatitigil ng DPWH

HINILING ng anak ng dating alkalde ng lungsod ng Maynila ang pagpapatigil sa konstruksiyon ng Adriatico Gardens Condominium sa Adricatico St., Ermita, Manila, matapos na maokupa ng itinatayong gusali ang bahagi ng katabing estero na nagiging dahilan ng pagbaha sa mga kalapit na lansangan.

Nauna nang naglabas ng kautusan ang Department of Public Works ang Highways (DPWH) noong Agosto 31, 2010  na nagpapatigil sa konstruksiyon matapos maghain ng petisyon si Atty. Reynaldo Bagatsing na humihiling na bawiin ang ibinigay na building permit sa Empire East Properties Inc. (EEPI) na nagtatayo ng naturang condominium bunga ng pagsakop sa Estero S. Antonio Abad na nasa gilid lamang ng Manila Zoo.

Ibinatay ni DPWH Rogelio Singson ang paglalabas ng kautusan sa petisyon ni Bagatsing at kaagad na inatasan ang Office of Building Official ng lungsod ng Maynila na magsagawa ng pagsusuri at maglabas ng pansamantalang pagpapatigil sa itinatayong proyekto.

Napag-alaman na mismong si Engr. Melvin Balagot, hepe ng Building Official ay naglabas ng first notice nang makita ang paglabag na ginawa ng kumpanya natapos okupahin ang tatlong metrong sakop ng estero.

Inamin naman ni acting Executive Director Emmanuel Cuntapay ng National Building Code Development Office ng DPWH na hindi naisakatuparan ang inilabas na kautusan noong Agosto 31, 2010 matapos hindi mapadala ng kanyang tanggapan sa EEPI ang liham kaya’t naglabas siyang muli ng memorandum noong Pebrero 25, 2011 kay Engr. Balagot na nag-aatas na kaagad ipahinto ang konstruksiyon.

Sinabi ni Atty. Bagatsing na ang pagkakaroon ng bara ng naturang estero ang sanhi ng mga pagbabaha sa mga lansangan ng Adriatico, Quirino Avenue, Taft Avenue, Harrison St., na pawang nasa ika-limang distrito ng lungsod.

Nauna rito’y naghain na rin ng kaso si Bagatsing laban kina Manila Mayor Alfredo Lim, Vice Mayo Isko Moreno, mga konsehal na nagpasa ng resolusyong nagpapahintulot sa proyekto, Engrs. Melvin Balagot, Melchor Michiano, Edgar Soriano at mga pribadong indibiduwal na sina Harrison Paltongan at Antonio Tan ng EEPI. Johnny F. Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply