Bulkang Bulusan bahagyang kumalma

BAHAGYANG kumalma ang Bulkang Bulusan at nakapagtala ng isang volcanic earthquake lamang sa paligid ng bulkan Sabado ng umaga, Marso 5, ayon sa ulat ng Philippine Institute Of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs bukod sa isang pagyanig na naitala hindi na namataan ang usok sa bunganga ng bulkan dahil sa makapal na ulap na tumatabing sa bunganga nito.

Sinabi pa ng Phivolcs na patuloy pa ring nakataas ang alert level 1 sa paligid ng bulkan at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng tao malapit sa four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).

Pinag-iingat din ang mga residente na naninirahan sa hilagang-kanluran at timog-kanlurang bahagi ng bulkan dahil sa banta ng ashfalls.

Itinuturing na active volcano ang Bulkang Bulusan dahil sa pag-aalburoto nito sa mga nakalipas na taon. Santi Celario

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply