Bulkang Bulusan pinababantayan

PINATUTUKAN ng Philippine Army sa rescue team ang Bulkang Bulusan.

Ayon kay Maj. Harold Cabunoc ng 9th Infantry Brigade ng Philippine Army, inilagay na sa hightened alert ang nasabing rescue team dahil sa muling pagdaloy ng lahar ng Bulusan.

Aniya, nakaalerto ang rescue team upang maging handa sa posibleng mangyayari.

Naapektuhan ng sinasabing “lahar flow” ang Mambon River bandang 5 ng madaling araw ng Martes, Marso 1.

Naitala naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulusan ang tatlong volcanic quakes at siyam na insidente nang pagbagsak ng mga bato sa paligid nito sa nakalipas na 24 oras. Bineza Zapanta

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply