Bulkang Mayon, kumalma

PANSAMANTALANG kumalma ang bulkang Mayon matapos na walang maitalang pagyanig sa paligid nito sa nakalipas na magdamag,  iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nabatid sa Phivolcs na bagama’t walang naitalang pagyanig, tatlong pagguho ng bato ang naitala mula sa bunganga ng bulkang Mayon.

Ayon pa sa Phivolcs patuloy na nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Mayon at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) dahil sa banta ng maliliit na pagsabog.

Kilala ang bulkang Mayon bilang active volcano dahil sa mga nakalipas na pag-aalburuto nito nitong mga nakalipas na taon. Santi Celario

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply