Bumaha ang luha sa pagbitay sa 3 Pinoy

BUMAHA ang luha hindi lamang ng pamilya ng tatlong Pinoy na binitay sa China kundi maging ang mga Pinoy na umasang maging sa huling sandali ay maililigtas pa sa kamatayan ang tatlong kababayang  isinalang sa lethal injection sa kasong drug trafficking.

Kinumpirma ni Vice President Jejomar Binay na tapos na ang pagbitay sa tatlong Filipino sa China na sina Sally Ordinario-Villanueva, Ramon Credo at Elizabeth Batain

Nauna nang nagkita ang pamilya ni Sally Ordinario-Villanueva nang payagan ang kanyang mga magulang at kapatid na makapasok sa kanyang detention cell.

Pinayagang makabisita ang mga kaanak ng overseas Filipino worker (OFW) sa huling pagkakataon bago mabitay si Ordinario sa Xiamen, China.

Hindi umano mapigilan ni Jason, kapatid ni Sally ang maiyak nang tanungin sila ni Sally kung “Mamamatay na ba siya” nang magulat ito sa kanilang pagdalaw.

Sa eksaktong isang oras na ibinigay ng mga guwardiya ng kulungan para makausap si Sally ay ang ibinilin lamang nito na mapag-aral ang kanyang anak ang kanyang naintindihan.

“Marami pa po siyang bilin pero hindi po namin maintindihan dahil iyak po kami ng iyak,” ayon kay Jason.

Inihabilin din ni Sally ang kanyang anak na huwag itong pabayaan.

Ibinalik na rin ng Chinese authorities ang mga gamit ni Sally sa kanyang pamilya pagkatapos ng kanilang pagdalaw. Bineza Zapanta

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply