Buntis ni-rape na, pinatay pa

NAGWAKAS ang buhay ng isang buntis matapos na siya ay halayin at patayin ng isang binata Linggo ng gabi, Marso 20 sa Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng Station Investigation Division ng Caloocan police, ganap na alas-dose kamalawa ng hating gabi ng maganap ang krimen sa loob mismo ng bahay ng biktmang si Jaylene dela Cruz, 25, ng Bagong Silang Caloocan City.

Base sa pahayag ng saksing si Olivia Calicdan, 26, kasamahan sa bahay ng biktima, nasa kasarapan sila sa pagtulog sa kabilang kwarto nang marinig nila na humihingi ng tulong ang biktima.

Dahil dito, agad nilang pinuntahan ang kabilang silid kung saan nandoon ang biktima. Subalit nakita nilang nakahandusay na ang duguang katawan ni Dela Cruz habang ang suspek ay mabilis na tumalon sa bintana para tumakas.

Agad naman naaresto ng rumespondeng pulis ang suspek na si  Christopher Acosta, 18, ng Blk. 140, Lot 10, Barangay 176, Bagong Silang.

Itinakbo naman si Dela Cruz sa pinakamalapit na pagamutan at bago ito nalagutan ng hininga ay nasabi pa nito sa mga kasama na ginahasa siya ni Acosta kaya nanlaban siya at dahil dito ay sinaksak siya ng suspek sa leeg.

Nahaharap naman sa kasong murder at rape si Acosta.Roger Panizal

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply