Buntis pinugutan ni mister

PINAGTATAGA hanggang maputulan ng ulo ang isang buntis na misis sa Irosin, Sorsogon, Bicol.

Ayon sa report ng dzMM, nasawi si Cristy Mulawin, 32,apat na buwang nagdadalang tao.

Ayon pa sa ulat, umuwi ang suspek sa kanilang bahay na sabog sa pinagbabawal na gamot at kinompronta nito ang kanyang asawa sa pagiging selosa nito.
Lalong naburyong ang suspek nang ungkatin ng biktima ang pambababae umano ng kanyang asawa na nauwi sa pagtatalo.

Dahil sa espiritu ng pinagbabawal na gamot, pinagtataga nito ang kanyang misis kung saan isang taga ang humagip sa leeg ni Cristy na halos ikaputol nito.

Nasa kamay na ng pulisya ang suspek at nakakulong sa Irosin Police Station, na kasalukuyang hindi pa pinangalanan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply