Burol ‘wag gawing pasugalan – pari

NAGBANTA kamakailan ang isang pari sa Ifugao na hindi nito bibigyan ng “burial rights” at huling basbas ang sinumang Katolikong nasawi kung gagawing pasugalan ng mga kaanak nito ang kanyang burol.

Ang kautusan ni Fr. Valentine Dimoc, parish priest ng St. Mary Magdalene Parish ng Lagawe, Ifugao, ay nakasaad sa isang “pastoral policy” na inisyu niya sa kanyang parokya.

Ayon kay Dimoc, ito ay upang, hindi man tuluyang matigil, mabawasan man lamang ang sugal sa kanyang parokya.

Anito, ang naturang polisiya ay “pastoral in nature” at tugon sa social at moral issue sa isang partikular na lugar.

“The policy is pastoral in nature, in response to a social and moral issue in a particular place; the local government unit’s ordinance against it is what should be implemented for the common good,” paliwanag pa ni Fr. Dimoc.

Anang parish priest, bago niya isinagawa ang nasabing kautusan ay isinangguni muna niya ito, at sinuportahan naman ng Pastoral Council of Lagawe Mission Station (PCLMS) at ng Ifugao clergy. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply