Bus nahulog sa tulay, 3 patay

PATAY ang tatlo habang mahigit na 20 pasahero ang nasugatan makaraang mahulog sa tulay ang isang bus sa Talisayan, Misamis Oriental kagabi, Marso 8.

Nahulog sa tulay ang Bachelor Express na may body number na 3946 ng Bachelor Express matapos iwasan ng bus driver ang mag-asawa na bigla na lamang tumawid.

Patay noon din ang dalawang pasahero habang nakilala ang nasawing driver na si Dwight Catig, ng Butuan City na nadala pa sa Northern Mindanao Medical Center , Cagayan de Oro kagabi.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa naturang ospital ang may 11 nasugatan. Ang iba naman ay nakaratay sa iba’t ibang pagamutan ng naturang lungsod. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply