Bus sa Maguindanao sumabog, 5 sugatan

LIMA ang sugatan kabilang ang sundalo sa pagsabog ng isang bus sa Datu Paglas, Maguindanao, 5:30 ng umaga ng Huwebes, Marso 3.

Nabatid sa isang panayam sa radyo ni Regie Magbanua, bumibiyahe ang Grand Courier bus na nanggaling sa Tacurong City papuntang Davao City. Nang sumapit sa Datu Paglas, bigla na lamang sumabog ang hulihang bahagi ng bus na ikinasugat ng mga biktima

Nabatid pa kay Magbanua nadaanan lamang ng bus ang bomba nang ito ay sumabog.

Matapos ang pagsabog, idiniretso ng driver ang naturang bus sa detachment ng militar na may 200 metro lamang ang layo mula sa pinagsabugan ng bomba.

Agas na isinugod sa malapit na ospital ang mga biktima.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad sa nasabing isndente. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply