Bus, trak nagsalpukan sa Bukidnon 2 utas

DALAWANG lalaki ang namatay habang anim iba pa ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang isang passenger bus sa nakaparadang 10 wheeler truck sa Bukidnon.

Sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga namatay na sina  Diopel Cabansaga at Danny Mulanta.

Itinakbo naman sa pagamutan sina Anthony Catayoc, bus conductor; Jonie Cuevas, Merlinda Sepra, Benion Aninayon, Antonio Labora at Sanny Ariraya.

Nabatid na naganap ang aksidente bandang 4:00 ng madaling-araw, kanina sa kahabaan ng national highway sakop ng bayan ng Manolo Fortich, nabanggit na lalawigan.

Nabatid na nagmula ang pampasaherong bus sa Cagayan de Oro patungo sana ng Kibawe, Bukidnon nang sumalpok sa nakaparadang truck sa Purok 7,  Barangay Maitum.

Sa salaysay ni  Peter Casimsiman, driver ng bus, nasilaw aniya siya sa ilaw ng kasalubong na sasakyan kaya hindi niya nakita ang nakaparadang trailer na may kargang pinya na minamaneho naman ni Reynaldo Kinutao. Verlin Ruiz

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply