Buwan-buwan nag-a-abroad, milyon-milyon winiwidrow

PAHAPYAW nating silipin muli ang ginagawa nating paghalukay sa mga ill-gotten wealth ng mga Marcos na ipinagkatiwala sa  kanilang dating mayordoma na si Mommy Ilao ng Sta. Maria, Bulacan.

Basahin natin ang mga karugtong ng e-mail.

“Katunayan, Sir Johnny, halos buwan-buwan ay nagpupunta sa ibang bansa si Mommy Ilao partikular sa Hong Kong upang mag-withdraw ng milyon-milyong salapi na ginagamit nila ngayon sa pagpaparami ng ari-arian na matatagpuan sa iba’t ibang panig ng Bulacan at iba pang lugar.

On-going po ang konstruksiyon ng malalaking  bahay nina Mommy Ilao sa mga barangay ng Balasing, Guyong at Pulong Buhangin. Kasabay na dini-develop ang malalawak nilang lupain habang ipinaparada ng pamilyang ito ang mga magagara nilang sasakyan. Dahil milyones na po ang kuwalta ng pamilya ni Mommy Ilao, may private armies na sila na pawang armado. Nilikha nila ito noong kasagsagan ng barangay elections na ginamit nila sa pangha-harass ng mga botante at pamimili ng boto upang maipanalo lamang ang apo niyang si Coy Garrido bilang kapitan ng Guyong  na gumastos ng P13M para lamang sa may 5000 botante. Lahat po ng opisyal ng Sta. Maria at maging sa Bulacan ay nagiging “inutil” dahil sa ipinamumudmod na salapi ni Mommy Ilao na tila ba wala nang katapusan at pakiwari ba namin ay hindi na mauubos.

SUGALAN SA NPD PADER

May loteng at saklang-patay si Gani Cupcupin na pinatatakbo ni Mariong Bukbok sa Malabon. Malakas din ang bookies ng karera ni Danny Kamote sa Caloocan at Malabon. Isang alyas Nancy ang ginagamit ni Kamote bilang front sa bookies nito. May loteng naman si Judie sa Navotas. Hindi sila ginagalaw ni NPD Dir. Gen. Edgar Ladao.

Anomang mga reklamo o puna ay itext lang sa 0918-9274764, 092667192-69 o email juandesabog @ yahoo. com. Johnny Magalona

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply